Posted
September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mismong si PRO6 Acting Regional Director PCSupt Jose
Gentiles ang nanguna sa ginawang actual Re-enactment sa Odicta killing sa
Caticlan Jetty Port kahapon.
Ayon kay SPO1 Nida Gregas Public Information Officer ng
APPO, layun umano ng isinagawang re-enactment ay para mapadali ang
imbestigasyon at malaman kung ano talaga ang nangyari sa insidente.
Maliban dito ginawa din umano ito para sa dalawang mga
taga STIG na siyang nagdala sa mag-asawang biktima sa hospital upang magkaroon
ng linaw ang mga pagdududa sa mga ito.
Samantala, ang naturang kaso ay patuloy parin ngayong
iniimbestigahan ng mga otoridad kung saan lumabas na rin ang autopsy report ng
mag-asawa.
Matatandaang binaril ang mag-asawang Melvin at Meriam Odicta
nitong Lunes ng madaling araw habang papalabas na sa RORO sa Caticlan Jetty
Port.
No comments:
Post a Comment