Posted October 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Sa kulungan ang inabot ng isang lalaki matapos nitong
pagbubuksan ang mga kwarto sa isang boarding house sa Sitio Hagdan,Brgy. Yapak,
Boracay.
Kinilala ang nagrereklamo na si Reynaldo Cose, 43-anyos
native ng Negros Occidental at pansamantalang nanunuluyan sa lugar.
Sumbong ng biktima sa Boracay PNP, wala umanong
karason-rason ay pinag-papasok ng suspek na si certain “J.R” ang mga kwarto ng
boarding at pinagbubuksan .
Nabatid na isa rin umanong boarder ang nagreklamo matapos
umanong nagsisigaw ang suspek kung saan pinapalabas niya ang mga ito at nagsabi
pang papatayin.
Dahil sa nangyari ay nagresulta naman ito ng takot sa
biktima dahilan para ireklamo niya ito sa mga pulis.
Napag-alaman na meron umanong nervous breakdown ang
suspek kaya nito nagawa ang insidente.
No comments:
Post a Comment