Posted September 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Agad na
ini-report ng construction worker na si Radel Maming sa may-ari ng lupa matapos
nitong mahukay ang isang granada sa Sitio Talipapa, Brgy. Pook, Kalibo, Aklan.
Sa imbestigasyon
ni SPO4 Vengie Repedro ng Aklan
Provincial Public Safety Company Explosives and Ordinance Team, ang nakitang
granada ay isang MK2 Fragmentation Hand Grenade at M26 Fragmentation Hand
Grenade.
Ayon pa kay
Repedro nakuha ang mga granada isang
metro ang lalim sa hinuhukay na lupa at
nakasilid ito sa isang plastic container.
Nabatid na sa
kanila pang pag-usisa ay matagal na itong nakabaon sa lugar kung saan posible
umanong sumabog ito dahil kumpleto pa ang parti ng naturang granada.
No comments:
Post a Comment