Posted September 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isinalaysay sa
himpilang ito ni Magdalena Prado ng MSWDO Boracay na kahit aprobado na ang
ordinansa sa pagbibigay ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos
ay kailangan parin nilang sumailalim sa pagpupulong.
Ito ay may
kaugnayan sa mga magpamilyang namamalimos
sa isla kung saan nitong nakalipas na araw ay 31 Badjao ang kanilang
nasagip.
Nabatid na ipupulong
ulit ni Prado ang mga Law Enforcers, Stakeholders kasama na ang miyembro ng SB
Malay na nagsusulong ng ordinansa upang pag-usapan ang mga guidelines sa pag-implementa nito sa Boracay.
Nabatid kasi, sa pabalik-balik
na pamamalimos ng mga badjao sa isla ay naging problema na ito lalong-lalo na
sa paningin ng mga turista.
Samantala, pino-proseso
naman nila ngayon na magpasa ng regulasyon, kung saan meron silang itatalagang
tao sa Port ng Boracay kung saan kung sinuman ang makita na bumalik ang mga ito
ay hindi na paaalisin at sa halip ay huhulihin.
Nabatid na ang
nasabing batas sa pagbibigay ng penalidad ay inaprobahan noong August 1, 2016
sa 4th Regular Session ng 17th Sanggunang Panlalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment