Posted
September 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Meron na ngayong magiging Provincial Drug Treatment
Center ang probinsya ng Aklan para sa mga sumukong mga Aklanon sa ilalim ng
“Oplan Tokhang” ng Philippine National Police.
Ito ay ang Don Leovigildo Diapo Municipal Hospital sa
Madalag, Aklan na magsisilbi bilang temporaryong drug treatment center sa
probinsya.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office
(PHO) ito umanong rehab center ay popondohan ng Philippine Amusement and Gaming
Corporation (PAGCOR).
Maliban dito ang PAGCOR din umano ang magbibigay ng
pasahod sa karagdagang empleyado na ilalagay dito katulad ng social worker,
nurse at mga security guards.
Samantala, sa pagbubukas umano ng naturang pagamutan
bilang rehab center ay hindi na muna sila tatanggap ng mga pasyente na
magpapagamot kung saan ire-refer naman nila ito sa kalapit na ospital sa bayan
ng Libacao.
No comments:
Post a Comment