Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa plano umano ng Lokal na Pamahalaan ng Malay na
pagtayuan ng transportation building ang MRF Yapak sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Malay Engr. Arnold Solano ng
Solid Waste Management, sa panayam ng himpilang ito.
Ayon kay Solano, wala ng magiging MRF sa Yapak kung saan
sinisimulan na ngayong hakutin ang mga basura mula rito papuntang Manoc-manoc
MRF.
Nabatid na maaaring paglagyan din ang mga ito ng mga
impounding na sasakyan sa Boracay kagaya ng mga motorsiklong nahuling walang
lisensya.
Samantala, pabor naman ang Transportation Office sakaling
matuloy ang panukalang ito ng sa ganon ay may mapaglalagyan na umano sa Boracay
ng mga nahuhuling sasakyan at hindi na magsikip ang mga ito sa Action Center sa
Balabag.
No comments:
Post a Comment