Pages

Tuesday, September 13, 2016

Mga barangay sa Aklan nakatakdang isailalim sa 'drug-clearing operations'

Posted September 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay     

Image result for drug clearing operationNakatakdang isailalim sa “drug-clearing operations” ang mga barangay sa Aklan na apektado ng droga base sa resulta ng ginawang “Oplan Tokhang” ng Aklan Police Provincial Official (APPO).

Nabatid na inilunsad ang “drug-clearing operations” sa pamamagitan ng isang Inter-Agencies Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa Oplan 2016 -17 Synchronized Barangay Drug-Clearing Operations.

Base sa MOA, sinasabing ang operasyon ay may tatlong proseso kung saan ito ay paghahanda  na simula noong Setyembre 1 hanggang Setyembre 20 ay ang paglunsad sa mga bayan at barangay habang ang aktwal na operasyon ay sa Setyembre 21 hanggang Nobyembre 20 at ang post-operations ay sa Nobyembre 21 hanggang sa Disyembre 10, 2016.

Ayon kay APPO Acting Police Director PSSupt. John Mitchell Jamili, ang ginawang “drug-clearing operations” sa Aklan, ay para samahin lahat ang mga pwersa ng gobyerno sa pag laban sa droga para mapadali ang proseso sa paglinis sa problema sa pamamagitan umano ng  “Whole of the Government Approach.”

Samantala, itinakda naman sa operasyon ang Disyembre 11 hanggang 15 bilang oras ng pag turn-over ng mga nilinisang mga barangay sa mga Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs), mga Punong Barangay at mga mayor.

No comments:

Post a Comment