Posted September 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang binabalak
na ipatupad sa lahat ng empleyado ng LGU Malay sa sandaling magpasa na ng
resolusyon si SB member Dante Pagsuguiron matapos nitong ipinahayag ang kanyang
pagnanais na ipatupad ito.
Ayon sa Konsehal
nais niyang tumalima sa maigting na kampanya laban sa droga ni Pangulong
Duterte kung saan ipapatupad umano ito sa lahat ng opisyal at empleyado ng
Malay at kasama na ang mga Barangay Officials.
Sinabi din nito
na kung mayroon mag-positibo sa iligal na droga ay nakatakda naman itong
i-refer para sa tamang imbestigasyon ng kapulisan kung saan sang-ayon din dito
ang konseho dahil sa mahalaga at maganda umano itong proposal upang ng sa ganon
ay malaman na drug free ang mga empleyado ng Malay.
Samantala, itong
usapin ay ini-refer sa Committee on Laws at Committee on Health upang isailalim
pa ito sa masusing pag-aaral.
Sa kabilang banda
ipinagpasalamat naman ni Pagsuguiron ang ipinakitang pagsuporta sa kanya ng
kanyang mga kasamahan para sa nakatakdang pagpasa ng resolusyon.
No comments:
Post a Comment