Pages

Tuesday, September 06, 2016

Kakulangan sa garbage truck isa sa mga rason kung bakit nade-delay ang paghahakot ng mga basura sa beach line-Solano

Posted September 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for garbage truckNasa lima lang ngayong ang operational na garbage truck sa isla ng Boracay na kumukulekta ng mga basura araw-araw.

Ito ang pag-amin ni Malay Engr. Arnold Solano ng Solid Waste Management, dahilan ng pagka-delay ng paghahakot ng mga basura lalo na sa beach area na umaabot ng hanggang alas-8 ng umaga.

Ayon kay Solano, walo ang kabuuang garbage truck sa Boracay ngunit lima lang ang gumagana dito kung saan isa sa Yapak ang nagagamit at isa naman ang sira habang dalawa naman sa Balabag at apat sa Manoc-manoc ngunit sira din ang dalawa.

Sa kabila nito meron na umanong biniling bagong apat na truck si Mayor Cawaling ngunit hindi pa umano ito dumadating sa isla.

Kamakailan ng batikusin sa social media ng mga resort owner at residente sa isla ang tambak-tambak na basura sa beach area na matagal bago makolekta.

Nabatid na umaabot sa 60 trucks ang nahahakot na basura araw-araw na dinadala sa Manoc-manoc MRF kung saan karamihan sa mga ito ay kitchen waste at garden waste mula sa mga kainan at resort sa isla.

No comments:

Post a Comment