Pages

Thursday, September 01, 2016

Illegitimate child binigyan ng karapatan na pumili ng kanilang apelyedo

Posted September 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Illegitimate childBinigyan ngayon ng karapatan ang mga Illegitimate children na pumili ng kanilang apelyedo matapos ang revised implementing rules at regulations ng Republic Act 9255 na umepekto noong Abril 9, 2016 ayon sa Philippine Statistic Authority-Aklan.

Ang RA 9255 ay isang batas na pumapayag sa illegitimate child o yong anak sa labas na gamitin ang apelyedo ng kanilang ama.

Ito ay salungat sa dating IRR, kung saan ang ama ay nag-execute ng Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF), ang kasalukuyang implementing rules ng nasabing batas na nangangailangan na ang partikular affidavit na nagawa ng bata bago niya madala ang apelyedo ng ama.

Samantala, base sa report ng PSA-Aklan, maliban sa AUSF, ang certificate ng attestation o patotoo ng ina ay kailangan kung ang bata ay 7 hanggang 17-anyos. Habang, ang nasa edad 6 na taong gulang pababa ang AUSF ay kailangang makumpleto ng ina o guardian.

Ayon naman kay Engr. Antonet Catubuan, Chief Statistical Specialist, na ang illegitimate child ay kailangang kilalanin muna ng kanilang ama o kahit sa pamamagitan ng public document o private hand written instrument bago ang apelyedo ng ama ay epektibo na sa birth certificate.

Sa kabilang banda nilinaw nito na ang revised IRR ay kailangang lamang sa illegitimate children na pinanganak bago o pagkatapos ng March 19, 2004, ang simula ng RA 9255, kahit na registered o hindi sa ilalim ng apelyedo ng ina.

No comments:

Post a Comment