Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Patay ang isang driver ng motorsiklo matapos umanong
mabungguan ng Oil Tanker sa Barangay Tagbaya, Ibajay, Aklan.
Ang biktima ay kinilala kay Robert Cahilig, 42-anyos,
residente ng San Joaquin, Pandan, Antique habang ang driver naman ng Oil Tanker
ay si Nerry Nacion, 38-anyos ng Bago City, Negros Occidental at ang kasamang
pahinante nito na si Ruben Macahilas, 24-anyos ng Cawayan, Negros Occidental.
Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, papunta ang
minamanehong motorsiklo ng biktima sa Poblacion, Ibajay habang ang Oil Tanker
naman ay papuntang Caticlan ng mag-overtake ang motorsiklo ni Cahilig dahilan
para mabungguan ito na kanyang ikinamatay.
Samanta, ang driver at ang Oil Tanker ay nasa kustodiya
na ng Ibajay PNP station para sa proper disposition.
No comments:
Post a Comment