Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Masaya ngayon na naiuwi ng tatlong naninirahan sa Boracay
ang kanilang award matapos magwagi at maiuwi ang kampeonato sa katatapos na
2016 National Duathlon na ginanap nito lamang a-desi-otso ng Setyembre sa
Iloilo.
Sina Medindo Milanes, Jovel Patricio, Timugen Tamayo ang
mga naging pambato ng Boracay na nagbahagi ng kanilang galing sa larangan ng
ganitong klaseng larong pampalakasan.
Nabatid na kinabibilangan ng ibat-ibang atleta mula sa
ibang probinsya sa bansa ang mga sumali sa naturang kompetisyon.
Samantala, 3rd Place naman sa Triathlon Category si
Melchor Labian sa Victoria sa Negros Occidental nito lamang Setyembre 25.
Kaugnay nito, malaki umanong karangalan para sa kanila na
sumali sa ganitong klaseng kompetisyon kung saan hindi lang nagbigay sa kanila
ng karangalan pati narin sa mga Boracaynon.
No comments:
Post a Comment