Posted September 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kamakailan lang ay sumailalim ang bayan ng Malay sa
Validation ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 6.
Ito ay para na naman sa Seal of Good Local Governance
(SGLG) 2016 na ibinibigay na parangal ng DILG sa mga bayan na may magandang
performance sa Region 6.
Ayon kay MGLOO Mark Delos Reyes, kumpiyansa sila na
muling makakahuha ng parangal sa SGLG dahil na rin sa kanilang magandang
performance.
Samantala, pito lang mula sa 17 bayan sa Aklan ang napiling
sumailalim sa validation kasama na dito ang Provincial Government kung saan may
tiyansa ang mga ito na mabigyan ng SGLG award.
Nabatid na naging awardee rin ang bayan ng Malay noong
nakaraang taon ng kaparehong parangal kung saan ang nakuhang cash na P3 Milyon
pesos ay ipinatayo naman ng Navigational Light House sa Brgy. Sambiray para sa
mga mandaragat.
No comments:
Post a Comment