Pages

Monday, August 15, 2016

“Win-win solution” hiling ng grupo ng NAPOCASIA sa gobyerno kontra Kalibo Airport expansion

Posted August 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalibo airport expansion
“Win-win solution.”


Ito ang hiling ng grupo ng mga residente ng Napocasia o Nalook, Pook, Caano at Estancia sa gobyerno kaugnay sa patuloy na expansion ng Kalibo International Airport.

Sa ginanap na meeting nitong nakaraang araw ng Small Farmers Association napagkasunduan nila na ipaabot sa Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang kanilang mga hinaing kaugnay sa mga bayad ng mga apektadong residente.

Matatandaang makailang beses ng tinalakay ang isyung ito ngunit nanatili paring blangko ang mga residente dahil sa wala parin itong klaro sa ngayon.

Ngunit sa kabila nito naniniwala naman umano ang mga residente na mabibigyan sila ng maayos na solusyon sa kanilang problema sa pamamagitan ng klarong pag-uusap.

Samantala, nakatakda naman ngayong linggong humarap sa Session ng Sanggguniang Panlalawigan ang mga apektadong residente para maipaabot din ang kanilang hinanaing laban sa Airport expansion.

No comments:

Post a Comment