Pages

Monday, August 01, 2016

Promotion ng BFI para sa Boracay patok sa mga Australyano

Posted August 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patok sa mga Australyano ang isla ng Boracay sa ginawang promotion para sa expo ng Boracay Foundation (INC) sa Melbourne Australia noong July 11-13 at Sydney Australia.

Katunayan dinumog umano ng mga tao ang Boracay booth sa naturang expo dahil sa laki ng interes nila sa isla ng Boracay ayon kay BFI Secretary Pia Miraflores.

Nasabi umano ng mga Australian travel operators na talagang sikat na sikat ang Boracay ngayon sa Australians at madalas umanong nagtatanong ang mga ito tungkol sa package na available papuntang Boracay.

Nais din umano ng mga travel agents doon na magkaroon ng direktang contact sa Boracay upang mapabilis ang pag sagot sa mga tanong ng kanilang mga kliyente.

Inaasahang tataas din umano ang bilang ng mga Australian na bibisita sa Boracay sa darating na mga buwan kung saan ang Australian market ay itinuturing umano ng BFI na isa sa mga importanteng tourism market dahil sa kakayahan nilang gumastos ng malaki sa pag-travel dahil sa kanilang magandang ekonomiya.

Napag-alaman kasi na noong 2015 ay pang-anim ang Australians sa foreign tourist arrivals ng Boracay kung kayat nagkaroon ang BFI ng oportunidad na i-maximize bilang isang potensyal.

Ang nasabing expo ay dinaluhan ng daan daang travel operators at travel agents na Australian based kung saan na promote ang isla sa pamamagitan ng pamimigay ng The Complete Guide to Boracay Island Guidebook at iba pang  marketing collaterals sa mga consumers at mga travel trade.

No comments:

Post a Comment