Pages

Tuesday, August 02, 2016

Problema sa Tambisaan Port, tinalakay sa SB Session

Posted August 2, 2016
NI Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sa 5th Regular Session ng Sangguniang Bayan Malay ay muling tinalakay ang tungkol sa problema sa Tambisaan Port.

Tinukoy sa sesyon ang nararanasang problema ng mga pasahero lalong-lalo na ang mga turista na papauwi sa kanilang mga lugar ang haba ng pila sa lugar.

Kung kaya’t sa privilege speech ni Honorable Dante Pagsuguiron ipinunto nito na dapat ng aksyunan ang suliranin lalo na kapag “Low Tide” na isang dahilan ng pagka-antala ng ilang mananakay para hindi na ang mga ito mahirapan sa pagsakay.

Dahil dito, hinikayat nito ang lokal na pamahalaan ng Malay na pag-aralan kung ano ang kanilang magiging sulusyon dito.

Samantala, sinabi naman ni SB Jupiter Gallenero na meron na umanong plano dito dati ang Engineering Office katulad ng pontoon o rampa  pero hindi nila alam kung ito ba ay ipagpapatuloy pa.

Magkakaroon naman sila ng Committee Hearing kasama ang Committee on Tourism and Environment upang pag-usapan ang hakbang na gagawin nila sa naturang Port.

No comments:

Post a Comment