Posted August 29, 2016
Ni Alan C. Palma
Sr., YES FM Boracay
Ayon sa Spot Report ng Malay PNP, papalabas na ng
Caticlan Jetty Port ang mag-asawa ng lapitan ng suspek at malapitang binaril
ang misis ni Odicta sa likod na bahagi ng katawan bago naman pinaputukan ng
maka-ilang beses si alyas “Dragon”.
Sa salaysay ng mga nakakita sa pangyayari, nakagapang pa
umano si Odicta habang tumatakas naman ang salarin sa hindi malamang direksyon
sa madilim na bahagi ng jettyport.
Kahapon araw ng Linggo, ayon sa report, nag-desisyon
silang umuwi ng Iloilo sakay ng barkong 2GO mula Batangas subalit nakuhanan
umano ng mga armas ang loob ng sasakyan ni Odicta sa ginawang check point doon.
Sa hindi malamang dahilan, nakapaglayag pa ang
mag-asawang Odicta kasama ang tatlo pang iba lulan ng barkong 2GO na dumating
ng ala-una y medya ng madaling araw sa Caticlan Jettyport.
Ayon kay Malay Chief PSI Mark Evan Salvo, bagamat tuloy
ang imbestigasyon, posibleng mga “Associates” umano ni Odicta ang nasa likod ng
pamamaslang dahil na rin sa pakikipagkita ng mag-asawa sa DILG.
Isang malalimang imbestigasyon ngayon ang ginagawa ng mga
kapulisan kasabay ng apela sa publiko na makipagtulungan kung may alam sa nangyaring
pamamaslang para sa ikadarakip ng suspek.
Si Melvin “Dragon” Odicta ay itinuturong isa sa mga
ma-impluwensyang Drug Lord sa probinsya ng Iloilo kung saan inuugnay sa kanya
ni President Duterte ang mga pinangalanang narco-politicians at narco-police sa
Iloilo.
No comments:
Post a Comment