Posted August 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Handang handa na ang Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) sa pagbisita ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa sa isla
ngayong araw.
Ito ang kinumpirma SPO1 Christopher Mendoza ng BTAC kung
saan kasalukuyan na umano ngayong nagbibiyahe ang PNP Chief mula sa probinsya
ng Iloilo matapos itong dumalo kahapon sa Leaders' Convergence.
Ayon kay Mendoza wala naman umanong programang nakahanda
para kay “Bato” ngunit inaasahang makikipagpulong ito sa mga personnel ng BTAC.
Nabatid na isa ang isla ng Boracay sa mga tinututukan ng
kapulisan para mapangalagaan ang mga turistang dumadayo rito araw-araw.
No comments:
Post a Comment