Posted August 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Inaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan SP ang Ordinance number 354 ng Sangguniang Bayan ng
Malay ang pagbibigay ng penalidad sa mga namamalimos at nagbibigay ng limos.
Sa naganap na committee hearing nong July 25, 2016,
ipinatawag ng mga komitiba ang representante ng SB Malay ni si Hon. Jupiter
Gallenero kung saan ipinaliwanag sa Sangguniang Panlalawigan ang nakapaloob sa
nasabing ordinansa kung saan may kaukulang penalidad ang sinumang lumabag dito.
Nabatid na pagmumultahin ang mga ito ng isang libo (P 1,000)
ang sinumang magbigay ng limos, pera, pagkain o anumang bagay sa mga
namamalimos, Pangalawa ang multa na limang daan (500) o pagkakakulong ng hindi
bababa sa isang buwan hanggang 3 buwan ang sinumang mahuhuling namamalimos o
patuloy na namamalimos sa kabila ng mga tulong na ibinibigay ng lokal na
pamahalaan.
Habang ang pangatlo naman ay ang paulit ulit na
mahuhuling namamalimos ay papatawan ng multa na nagkakahalagang isang libong
piso o pagkakakulong ng hindi baba sa 1 hanggang 3 buwan o pareho, Pang-apat ay
papatawan din ng multa ang mga magulang na ginagamit ang mga anak na
namamalimos sa nagkakahalagang P2, 500 or pagkakakulong ng hindi bababa sa 3
hanggang 6 na buwan o pareho.
At ang Pang-lima ay kung sinumang mahuhuling gumagamit ng
mga namamalimos or mga gumagamit ng mga minors para mamalimos ay pagmumultahin
ng P2,500 o pagkakakulong na hindi bababa sa 3 hanggang 6 buwan o pareho.
Ang nasabing batas ay inaprobahan noong August 1, 2016 sa
4th Regular Session Ng 17th Sanggunang Panlalawigan ng Aklan.
Layunin ng ordinansa na ito ng Malay na maibsan ang mga
organized beggars sa isla at para hindi gagawing negosyo ang panglilimos.
No comments:
Post a Comment