Pages

Tuesday, August 02, 2016

Pamasaheng 25 centavos tinanggihan; E-trike driver inireklamo

Posted August 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 25 centavos philippines
Hindi nag-atubiling magsumbong sa mga pulis sa Boracay PNP ang isang pasahero ng E-trike sa Boracay matapos na tanggihan ang binayad nitong 25 centavos at pinagsalitaan ng hindi maganda.

Sumbong ng biktima na si Peter James Jamosin, 59-anyos residente ng Brgy. Manoc-manoc sa mga pulis, sumakay umano siya sa nasabing E-trike mula sa D’mall at ng pagbaba nito sa D’talipapa bukid ay nagbayad ito ng halagang sampung peso na kinabibilangan ng isang limang peso, tatlong piso at walong 25 centavos na nagkakahalaga ng dalawang peso.

Ngunit nagalit umano ang driver at ibinalik sakanya ang perang 25 centavos at pinagsabihan ito na itago nalang niya ito dahil hindi umano sila tumatanggap ng ganong pera.

Dahil dito minabuting i-report ng biktima ang insidente at ngayon ay nakatakdang kausapin ng imbestigador ng Boracay PNP station ang head ng kumpanya ng E-trike na minamaneho ng inirereklamo.

No comments:

Post a Comment