Posted
August 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Agad na inireklamo ng isang lalaki ang isang negosyanteng
koryano sa mga pulis ng Boracay PNP matapos umano siyang pagtangkaang saksakin
nito sa Sitio Ambulong, Brgy. Manoc-manoc.
Base sa nagrereklamong si Hadde Salih-Hadji, 25-anyos papauwi
na umano siya ng kanilang bahay ng tambangan ng sinasabing suspek na si Dong
Kim at tinangkang saksakin ngunit agad naman niya itong naiwasan.
Kaugnay nito ay nagreklamo rin sa mga pulis ang live-in
partner ni Kim at itinanggi ang akusasyon ni Hadji kung saan ito pa nga
umano ang nanuntok sa kanyang nobyo ng tatlong beses at kumuha pa ng kutsilyo
ngunit naawat naman sila ng mga tao sa lugar.
Nabatid ang itinuturong dahilan ni Hadji sa hindi nila pagkakaunawaan
ng koryano ay dahil sa binili nitong sigarilyo sa tindahan ni Kim.
Ang naturang insidente ay ini-refer ng Boracay PNP sa Brgy
Justice System ng Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment