Posted August
5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa ang Kalibo International Airport (KIA) sa mga
pagtutuunan ng pansin ng Department of Tourism (DOT) at ng Transportation Department
ng bansa.
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang press meeting sa
Davao City ng mga kinauukulun kung saan nais ng DOT na bigyang pansin ang
development at improvement ng nasabing paliparan.
Kabilang din dito ang Manila (NAIA), Mactan International
Airport sa Cebu, Clark International Airport sa Pampangga, Davao International
Airport, Iloilo International Airport at Puerto Princesa.
Layun umano nito na mabigyang pansin ang kakulangan ng
mga nasabing paliparan para mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero
lalo na ang mga turista na pumapasok sa Pilipinas mula sa ibat-ibang bansa.
Ang Kalibo International Airport ay patuloy ngayong
inaayos kung saan isa ito sa pinakaabalang paliparan sa bansa dahil sa daming
International flights na pumapasok araw-araw dahil sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment