Posted August 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bago magtapos ang taong 2016 at ang pagpasok ng taong
2017 ay inaasahang ibat-ibang international events ang isasagawa sa isla ng
Boracay.
Dahil dito ang Local Government Unit ng Malay ay
pinaghahanaan na ang mga aktibidad na na inaasahang magsisimula sa last quarter
ng taon.
Sa panayam ng himpilang ito kay Executive Assistant III
Rowen Aguirre, isa umano ang Boracay sa magiging area sa bansa kung saan ang
aktibidad ng Miss Universe sa Enero ay inaasahang gagawin.
Ngunit wala pa umano silang signal mula sa Department of Tourism
(DOT) kung ano ang kanilang dapat gawin pero nangangako itong magiging handa
sila sa naturang event.
Maliban dito inaasahan umano na isa rin ang Boracay sa
magiging host ng meeting ng Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2017 matapos
na magpahiwatig sa kanila ang National Organizing Committee ng ASEAN Summit .
Samantala, tiwala naman si Aguirre na makakaya nila ang humawak
ng malalaking event na magaganap sa isla kung saan may karanasan na rin umano ang
kanilang mga personnel at kaya na nilang gumawa ng mga templates dahil sa mga
nakaraang international events sa isla.
No comments:
Post a Comment