Posted August 12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y matapos
silang isama sa isasagawang clearing operation o “Oplan Hawan” na magsisimula
sa susunod na linggo.
Ayon kay
Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Office of the Mayor ang sino mag
illegal commissioner ang makikitang mag-aalok ng kanilang negosyo sa beach area
o sa buong isla ay ipapahuli sa mga pulis at ire-rekord ang mga pangalan saka
bibigyan ng penalidad na P2, 500.
Samantala, lilimitahan din sa bawat sea sport shop ang
kanilang mga taga-alok ng island activities na bibigyan ng pareho-parehong
uniforme at I.D upang maiwasan ang pagkalat ng mga commissioner.
Nabatid na ang
mga commissioner ang isa sa mga problema sa isla ng Boracay dahil sa panloloko
ng mga ito sa mga turista sa pamamagitan ng pagtakbo sa ibinayad sa kanilang
pera ng mga turista para sa island activities.
No comments:
Post a Comment