Posted August 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binuksan na sa publiko ng PANTELCO ngayong buwan ng
Agosto ang 911 emergency hotline at 8888 complain hotline ng Administrasyon ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PANTELCO Engineer Gabrielle Baylon, bagamat
puwedi na itong gamitin ngunit meron pa umano itong NDD per minute charge plus
P5.00 (VAT-in) bawat tawag base sa inimposed ng PLDT.
Nilinaw ni Baylon na ang naturang charges ay hindi mula
sa PANTELCO at ito mismo ay galing sa National Telecommunication na PLDT.
Sa kabila nito binalaan naman ni Baylon ang publiko na
huwag gawin ang prank call o practical joke dahil magreresulta parin ito ng
charges sa kanilang bill.
Ang Hotline 911 at 8888 ay isang nationwide program ng
Duterte Administration para mapabilis ang pagresponde sa mga nangangailangan ng
tulong sa emergency at maisumbong ang mga gumagawa ng katiwalian.
No comments:
Post a Comment