Posted August 18, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Isang Commissioner ngayon ang pinaghahanap ng mga pulis
matapos na takasan ang turistang Chinese National na kumuha sa kanya ng water
sports activity sa Balabag kahapon.
Reklamo ni Xiaofei Zhao, 45-anyos sa Boracay PNP, humingi
umano ng paunang bayad ang hindi nakilalang Commissioner sa kanya na
nagkakahalaga ng P 4, 000 para sa kanilang kinuhang Water Sports activity.
Subali’t sa pagkikita na umano nila kahapon para gawin
ang mga Sports activity ay bigong magpakita sa kanila ang suspek.
Dahil dito, patuloy na ini-imbestigahan ng Boracay PNP
ang naturang reklamo kung saan nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga may-ari
ng Water Sports activity para makilala ang isa na namang manlolokong Commissioner.
Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ng Lokal na
Pamahalaan ng Malay ang mga commissioner sa Boracay dahil sa kanilang illegal
na gawain at panloloko sa mga turista.
No comments:
Post a Comment