Posted August 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naisampa na ang kasong paglabag sa section 5, 7, 11 at 12
ng RA 9165 sa 25 mga Taiwanese at Chinese nationals na nahuli sa drug raid sa
Zone 5 Bolabog, Boracay.
Sa panayam mula sa Kalibo PNP kung saan pansamantalang
ikinulong ang mga suspek, dinala na umano kahapon ng mga taga Boracay PNP ang
mga ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nalook, Kalibo.
Nabatid na matapos ang isinagawang mugshot at finger
print sa mga suspek nitong Martes sa Boracay ay agad na isinailalim ang mga ito
sa Medical at dinala sa bayan ng Kalibo kung saan ang 12 sa mga ito ay
ikinulong sa Kalibo Police Station habang ang 13 naman ay sa Numancia.
Samantala, ang kasong cyber crime ay isasampa ng cyber
crime division ng Camp Crame.
Ang 25 mga suspek ay nahuli nitong Lunes matapos pasukin ng
SWAT Team Aklan kasama ang Malay at Boracay PNP ang kanilang pinagtataguan
matapos ang pagmaman-man sa mga ito.
No comments:
Post a Comment