Pages

Saturday, August 13, 2016

25 na preso ng BJMP Aklan kinilala bilang ALS A & E passers

Posted August 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BJMP Aklan  inmates graduate
Photo by Aklan Forum
Nasa 25 inmates mula sa Bureau of Jail Management and Penology ang nabigyan ng rekognasyon sa graduation ceremony sa Nalook, Kalibo, Aklan nitong nakaraang linggo.

Ito’y matapos silang makapasa sa Department of Education’s Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Test.

Sa press release mula sa BJMP-Aklan ang ginawang programa ay pinagsamang graduation rites para sa mga preso na nakakumpleto ng ALS elementary o secondary education para sa taong  2016, 2015, 2013 at naipasa ang A & E Test.

Ang ALS A & E Program, ay alinsunod sa Republic Act of 9155, kung saan ito ay module-based non-formal education na layun na mabigyan ng alternatibong paraan ng pagtuturo ang out-of-school youth at adult inmates na literate at hindi nakumpleto ang basic education.

Nabatid na sa 25 graduates, 16 ang graduates ng 2016, kung saan apat ang nakapasa sa  four elementary A & E Test habang 12 para sa secondary test. 

No comments:

Post a Comment