Posted August 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinapasiyasat ni SB member Frolibar Bautista ang 170
violators na ilegal na nag-kokonekta sa sewerage system sa isla ng Boracay
noong 2013.
Ito’y kaugnay sa pahayag ni SB member Nenette Aguire-Graf
na meron umanong mga establisyemento ngayon ang ilegal na naka-tap sa sewerage ng
Boracay Island Water Company (BIWC).
Ayon kay Baustista, noong 2013 umano ay isang task force
ang binuo ng nakaraang administrasyon na nag-iinspeksyon sa koneksyon ng
sewerage sa Boracay.
Doon din umano lumabas na merong 170 violators kung kayat
nais nitong malaman kung nakapag-konekta naba ang mga ito sa BIWC o hindi pa at
kung nadagdagan pa ang mga lumabag.
Samantala, ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog, kung
may violation umano at may nag-tap ay kailangan umano itong putulin agad at
sampahan ng kaso dahil sa may sinusunod umanong ordinansa.
Maliban dito sinabi pa ng Bise-Alkalde na kung may
nag-isyu umano ng permit ay dapat pati ang ito ay kasuhan. Nais din nito na
magpadala sila ng komunikasyon sa Municipal Engineer o sa Office of the Mayor
para aksyonan ang problema.
Base, sa rekord ng BIWC nasa 981 ngayon ang legal na
establisyemento ang konektado sa sewer line ng nasabing kumpanya.
Nakasaad din sa Ordinance 267 ng LGU Malay na dapat lahat
ng mga establisyemento sa isla ay konektado sa sewer line na isa ring requirements
sa pagkuha ng mayors permit.
No comments:
Post a Comment