Posted July 6, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Sa kanyang pag-upo bilang bagong Congressman ng probinsya
ng Aklan tutukan umano ni Carlito Marquez ang turismo, enerhiya at environment
sa lalawigan.
Ito ang sinabi ni Marquez sa kanyang Inaugural speech sa
ginanap na Oath Taking at Inaugural Ceremonies nitong nakaraang linggo sa bayan
ng Banga.
Ayon sa Congressman, ipagpapatuloy umano nito ang kanyang
paglaban sa kahirapan na nararamdaman ng mga Aklanon kasama na ang paghanap ng
pondo sa turismo, enerhiya at environment.
Maliban dito hinamon din nito ang gobyerno na pataasin
ang katutuhanan, integridad at panenerbisyo sa publiko kung saan sinabi pa nito
na iaalay niya ang kanyang sarili at yaman para sabay-sabay na makamit ang
tagumpay.
Samantala, pinasalamatan naman ni Marquez ang lahat ng
mga sumuporta sa kanya kasama na si Banga Mayor Erlinda Maming kung saan
nagtapos naman ang kanyang mensahe sa kanyang kilalang tinagang “Uwa it tawo
nga ginaga-id sa kapobrehan” o “Walang taong iginagapos sa kahirapan.”
No comments:
Post a Comment