Posted July
12, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Halos umabot na ngayon sa 1 Milyon ang tourist arrival sa
isla ng Boracay sa loob ng anim na buwan o first half ng 2016.
Ito ay base sa inilabas na rekord ng Aklan Provincial
Tourism Office (APTO) kung saan naitala ang total number visitors na 982, 710
simula noong Enero hanggang nitong Hunyo.
Lumalabas din sa datos na ang bisita sa Boracay sa first
half ng 2016 ay tumaas ng 15. 32% sa 852, 168 arrivals ng kaparehong period
noong nakaraang taon.
Nabatid na ang buwan ng Abril ang siyang may pinakamataas
na numero ng tourist arrival ngayong taon dahil sa kasagsagan ng selebrasyon ng
isang linggong “LaBoracay” event.
Samantala, target naman ngayong taon ang 1.7 million
tourist arrival ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay.
No comments:
Post a Comment