Posted July 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tanging boxer short na lamang ang suot ng isang SB member
mula sa ibang bayan sa Aklan ng matagpuan na wala ng buhay sa kwarto ng isang pension
house sa bayan ng kalibo kagabi.
Ayon kay Kalibo PCINSP. Ulysses Ortiz, chief ng Scene of
the Crime Operatives, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa Kalibo PNP na
mayroong nakitang patay na lalaki sa isang pension house na agad naman nilang
nirespondihan.
Sa imbestigasyon ng SOCO bandang alas-12:15 ng tanghali
ng mag-check in ang SB Member kasama ang isang babae sa loob ng tatlong oras.
Makaraan ang tatlong minuto ay lumabas umano ang babae
base sa nakita sa CCTV ng pension house kung saan hindi na ito dumaan sa
reception area.
Bandang alas-8 kagabi ng magtaka ang mga empleyado na
hindi parin nakalabas ang SB Member at lumagpas na umano ito sa tatlong oras na
kanyang binayaran.
Dito na pinuntahan ang kwarto ng biktima at sa pagbukas
ng room-boy sa pinto ay doon tumambad ang patay at nakatihayang biktima na soot
lamang ang boxer at nakakalat na sa sahig ang mga damit nito na wala manlang
nakitang mga sugat sa katawan.
Samantala, hiniling naman ngayon ng pamilya ng biktima na
huwag na munang pangalanan ang SB member na nasa edad 52-anyos.
Samantala, patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng
SOCO tungkol sa nangyaring insidente habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan
ng babaeng nakasama nito.
No comments:
Post a Comment