Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinikayat
ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang publiko na makipagtulungan
sa kanila laban sa pagsugpo sa mga tiwaling pulis.
Ayon kay Public Information Officer 1 Jane
Vega ng APPO, ito umano ay bilang tugon at sa mahigpit na kauutusan ng bagong
Regional Director ng Provincial 6 na si PCS Jose Gentiles.
Nais
umano ni Gentiles na mas pagtuunan ng pansin ang illegal na droga na walang
kompremeso at zero tolerance.
Maliban dito binilin niya umano ang mga unit
commander na epektibong pamunuan ang implementasyon ng Project Double Barrel .
Nabatid na ang paglilinis na ito ay magsisimula
sa PRO6 pababa sa lower units kung kayat hinihiling nila ang suporta ng publiko
na mag sumbong laban sa mga kurakot at tiwaling pulis.
No comments:
Post a Comment