Posted July 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy ngayon ang pagtanggap ng Aklan PNP para sa
kanilang Project Tokhang sa mga nagsu-surrender na may kaugnayan sa illegal na
droga sa probinsya.
Habang nanatili naman ang ginagawang pag-iikot sa mga
bayan sa lalawigan ng mga prosecutor na sina Maya Bien Mayor Tolentino at
Fiscal Cris Gonzales para i-assist ang mga sumuko na sinasabing sangkot sa
droga.
Base sa tala ng Aklan PNP, umabot na sa mahigit dalawang
daan ang boluntaryong sumuko sa ibat-ibang municipal police station sa Aklan.
Samantala, sa huling limang bayan na inikot ng mga fiscal
10 ang sumuko sa bayan ng Balete, 12 sa New Washington, 1 sa Numancia, 9 sa
Makato at 20 sa Banga.
Bago naman pinalagda sa affidavit of undertaking ang
sumuko ipinaliwanag muna ni Prosecutor Tolentino kung ano ang kanilang
nilagdaan at kung ano ang mga legal na implekasyon para rito.
Sa kabila nito nanawagan naman si Tolentino sa mga sumuko
na hikayatin pa ang kanilang mga kakilala na magbalik loob at magbago na.
No comments:
Post a Comment