Posted July 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang mariing
sinabi ni Mayor Ceciron Cawaling sa kanyang pag-upo bilang bagong alkalde ng
bayan ng Malay.
Partikular sa
tinutukoy ng alkalde ay ang mga ginagawang hukay at construction sa mga kalsada
sa isla ng Boracay na nagdudulot umano ng matinding trapiko at mga pagbaha.
Dahil dito nais
ni Cawaling na kailangan munang dumaan sa kanya ang mga nagsasagawa ng
paghuhukay sa isla na kinabibilangan ng TIEZA at BIWC o mag-presenta ng plano
sa LGU bago gawin ang mga construction.
Nagreresulta
umano kasi ito ng matinding trapik sa isla ng Boracay kung saan wala manlang
inilatag na traffic re-routing.
Samantala,
hinikayat nito ang bawat isa na makipagtulungan sa kanyang administrasyon upang
makamit ang maayos na pamamalakad sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment