Posted July 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by BTAC |
Si Boracay PNP Chief PSInsp Nilo Morallos ang siyang
nanguna sa nasabing diskusyon para sa isla ng Boracay kasama na ang bagong accomplishments
ng BTAC sa Campaign Against Illegal Drugs at Wanted Persons, Best Practices at
Boracay Integrated Security Deployment Plan and Contingency Plan sa limang
magkaibang senaryo.
Ang mga opisyal naman ng National Intelligence
Coordinating Agency 6 ay nagprisenta ng bagong Threat Assessment Update kasama
rito ang Status ng West Philippine Sea, isyu ng Terrorism, Insurgency at illegal
Drugs.
Maliban dito ipinakita naman ni Commodore Leonard Tirol,
Adviser ng Boracay Action Group ang aktibidad ng BAG at Accomplishments sa
pamamagitan ng video presentation.
Ilan naman sa mga naging panauhin sa nasabing Conference ay
sina PCSupt Jose Gentiles, Acting
Regional Director ng PRO 6; BGen Harold Cabreros, Commanding General 3ID
Philippine Army; at NICA 6 Regional Director Col Aldred Limoso, LGU Malay at iba
pang PNP Officials sa Rehiyon at gobyerno.
Samantala, nagpasalamat naman si Gentiles at Cabreros sa LGU-Malay
dahil sa ipinakitang hospitality bilang host habang hinikayat naman nito ang
mga partisipante lalo na ang business sectors na suportahan ang gobyerno sa
kanilang laban kontra sa lahat ng masasamang elemento.
No comments:
Post a Comment