Pages

Monday, July 25, 2016

Mga pulis ng Boracay PNP, sumailalim sa drug testing

Posted July 24, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image by Boracay PNP
Isinailalim kahapon ang lahat ng mga pulis ng Boracay PNP sa drug testing na pinangunahan ni Chief Inspector Josephine Jomocan ng Aklan Police Provincial Office (APPO).

Ayon kay Senior Police Officer 1 Christopher Mendoza, chief of Police Community Relations, ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), mandatory umano ang nasabing drug testing na kinabibilangan ng 84 na pulis ng BTAC kasama ang 48 field training police at 21 field training officers.

Sumailalim umano ang mga ito sa drug test sa pamamagitan ng conventional urine samples kung saan kasabay nito ay ipinasa rin nila ang kanilang urine sample sa Crime Laboratory personnel ng Boracay extension office.

Nabatid na layun ng nasabing mandatory drug testing ay para maiangat ang integridad ng mga kapulisan at malinis ang kanilang hanay sa pamamagitan laban sa illegal na druga.

Samantala kung sino mang pulis ang makikitaang positibo sa paggamit ng illegal drugs ay isasailalim ang mga ito sa confirmatory test o tatanggalin sa serbisyo.

No comments:

Post a Comment