Pages

Friday, July 15, 2016

Masterplan para sa expansion ng Kalibo International Airport inilatag na

Posted July 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bilang ika-3rd busiest international airport sa bansa na sumunod sa Manila at Cebu nailatag na ngayon ang Masterplan para sa ekspansyon ng Kalibo International Airport (KIA).

Mismong si Aklan Governor Florencio Miraflores ang siyang nagpakita ng naturang Masterplan sa mga taga CAAP at sa mga kinauukulan ng naturang paliparan.

Ngunit sa kabila ng pinaplanong expansion ay marami namang mga magsasaka na nakapaligid sa naturang airport ang tila hindi pabor sa ibinibigay na bayad para sa kanilang mga naapektuhang lupain.

Nabatid kasi na puro palayan ang nakapalibot sa Kalibo Airport na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga residente sa lugar.

Sa kabila nito, umani naman ng ibat-ibang reaksyon sa social media ang inilabas na masterplan kung saan hiling ng mga ito na kung maaari ay ayusin umanong mabuti ang loob at labas ng airport lalo na ang departure area na kulang sa upuan.

Maliban dito hiling din ng ilan na sana ay libre na ang P200 na terminal fee ng mga Aklanon sa tuwing dadaan sila sa nasabing paliparan.

Ang kalibo International Airport ang siyang itinuturing na main gateway sa Region 6 at Western Visayas dahil sa dami ng International flights na tinatanggap nito araw-araw.

No comments:

Post a Comment