Posted July 29, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang pinatunayan ng maliliit na negosyante sa ginanap
na Trade Fair ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan kahapon sa La
Carmela De Boracay.
Layun nito na mailapit ang mga ito lalo na ang mga taga
Aklan na sakop ng Micro Small and Medium Enterprises (MSMs) sa mga buyer sa
isla ng Boracay.
Pinangunahan naman mismo ni Ma. Carmen Ituralde, DTI OIC
Prov'l Director ang naturang aktibidad kung saan mahigit dalawangpung MSMs ang
dumalo rito mula sa Aklan, Antique, Guimaras at Negros Island.
Maliban dito dinaluhan din ito ng mga stakeholders sa
Boracay, restaurant manager at mga malalaking negosyante sa isla kung saan ipinakita
sa kanila ang ibat-ibang produkto na kagaya ng frozen products, pasalubong, accessories,
lamp shades, organic product at iba pang produkto na nababagay sa turismo ng
Boracay.
Ikinatuwa naman ng mga taga Boracay na may mga ganitong
produkto na makikita mismo sa probinsya at kalapit na lugar na puwedi nilang
maging supplier.
Samantala, nagpasalamat naman si Ituralde sa mga dumalo
at naniniwala ito na mabibigyan ng pagkakataon ang mga MSMs na tangkilikin sa
Boracay ang kanilang mga negosyo na pangunahing pinagkukunan ng kanilang hanap
buhay.
No comments:
Post a Comment