Posted July 28, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Isa naman ngayong turistang Korean national ang
nagpa-rekord sa Boracay PNP matapos umano itong pagnakawan habang naliligo sa
dalampasigan sa Station 3 Brgy. Manoc-manoc, Boracay.
Nakilala ang biktima na si Cheolnam Yoon, 53-anyos at
nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing lugar.
Base sa report ng biktima sa mga pulis, nilagay niya
umano ang kanyang wallet sa loob ng plastic pouch at nilapag sa bungangin para
maligo subali’t, makalipas ang ilang minuto ng pag-ahon nito ay hindi na niya
makita ang kanyang plastic pouch na sinasabing tinangay ng hindi nakilalang
suspek.
Ang nasabing bag ay naglalaman ng ibat-ibang cards, 100
US Dollars at cash na mahigit P1, 000.
Patuloy naman ngayon ang ginagawang embistigasyon ng mga
pulis hinggil sa nangyaring insidente.
No comments:
Post a Comment