Posted
July 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi maikakaila na patuloy na tumataas ang kaso ng
dengue sa probinsya base sa pinakahuliung bilang na may 525 mula Enero hanggang
Hulyo 12, 2016.
Ito ang naitalang record ng Aklan Provincial Epidemiology
Surveillance and Response Unit (APESRU) kung saan nagpapakita na ang kaso ng
dengue sa probinsya ay tumaas ng 130.26% kumpara noong nakaraang taon na may
228 mga kaso.
Napag-alaman na ang bayan ng Kalibo ang siyang may
naitalang pinakamataas na kaso ng dengue na may 106; sinundan ng Malay may 48
kaso; Banga 42; at Ibajay 39 habang ang ibang bayan ay mayroon lamang maliliit
na kaso.
Dahil dito muling nananawagan si Aklan Provincial Health
Officer Dr. Cornelio Cuachon, Jr. sa publiko na dapat maging malinis sa kanilang
paligid at gayon din sa mga magulang na dapat ay hindi nila pabayaan ang
dalawang araw na lagnat ng kanilang mga anak, at ito ay dapat dahlin sa
pinakamalapit na pagamutan.
No comments:
Post a Comment