Posted July 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiwala si Senior Inspector Nilo Morallos, BTAC PNP chief
na walang pulis sa kanyang hanay ang sangkot sa illegal na druga.
Ito’y matapos silang sumailalim nitong araw ng Linggo sa
drug test kung saan nasa 150 umanong mga pulis ang sumabak dito kasama na ang
Public Safety, SWAT at ang mga police na naka-augment ngayon sa Boracay.
Sa kabila umano nito ay wala pa silang resulta sa
nasabing drug test kung saan inaasahan na lalabas sa susunod na linggo.
Nabatid na base sa utos ng PNP ay kailangang makapagsagawa
ang lahat ng mga police station sa bansa ng drug test bago magtapos ang buwang
ito.
Ayon pa kay Morallos, lahat naman umanong mga pulis ng
BTAC ay nakapag-undergo sa drug test na isinagawa mismo ni Chief Inspector
Josephine Jomocan ng Aklan Police Provincial Office (APPO).
Samantala, sinabi pa nito na kung sino mang pulis ang mag-popositibo
sa drug test ay isasailalim ito sa Administrative case at imbestigasyon na
magiging dahilan din ng pagtanggal sa kanila sa trabaho.
No comments:
Post a Comment