Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ngayong araw ng
Miyerkules Hulyo-13 ay nakatakdang isagawa ang Inaugural Session ng bagong miyembro
ng 17th Sangguniang Panlalawigan sa probinsya.
Ito ay gaganapin
alas-10 ng umaga sa SP session hall, Capitol Building kung saan dadaluhan ito
ni Bise-Gobernador Atty. Boy Quimpo at ang mga SP member officials na si Ampod
Neron, Soviet Russia Dela Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty.
Emmanuel Nolly Sudosta ng Eastern Side habang sa Western side naman ay si Ramon
“Andoy” Gelito, Engr. Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson
Santamaria.
Samantala, ang
nasabing inagurasyon ay dadaluhan ng mga Department heads ng gobyerno sa
probinsya kung saan inaasahan dito ang paglatag ng kanilang mga plataporma sa kanilang pag-upo bilang mga opisyal ng
probinsya.
No comments:
Post a Comment