Posted July 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa
sunod-sunod na banta ng tirurismo sa ibang bansa nanawagan naman ngayon ang
Boracay Action Group (BAG) sa mga stakeholders, komunidad at residente sa isla.
Ayon kay
Commodore Leonard Tirol ng BAG, kailangan maging mapagmatyag umano sa lahat ng
oras upang maiwasan ang mga nangyayaring nsidente kagaya sa Turkey at Paris
France na may nangyaring mga pagpapasabog at nag-iwan ng maraming patay na tao.
Maliban dito nais
ni Tirol na agad umanong isumbong sa mga otoridad sakaling mayroon silang
mapansing kahina-hinalang galaw sa kanilang mga lugar.
Nabatid na
sunod-sunod na bansa ngayon ang inaatake ng pagpapasabog ng mga aramadong
kalalakihan.
No comments:
Post a Comment