Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makikipagkita ngayong araw ang Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority (TIEZA) kay Aklan Governor Florencio Miraflores.
Ito’y para sa signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa
pagitan ng TIEZA at ng Aklan Province para sa phase 2 ng drainage project sa
isla ng Boracay.
Kaugnay nito inaasahan naman ang pagdalo ng ibat-ibang
mga stakeholders mula sa isla kabilang na ang Boracay Foundation Inc. at Boracay
Island Water Company (BIWC).
Nabatid na dadaluhan mismo ni TIEZA Chief Operating
Officer Atty. Guiller Asido ang naturang MOA Signing na gaganapin sa Aklan Provincial Capitol sa Kalibo, Aklan.
No comments:
Post a Comment