Posted June 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Google.com.ph |
Mahigpit na ipinagbabawal sa isla ng Boracay ang hindi
pagsunod sa height limit sa mga itinatayong gusali.
Dahil dito pinuna ni SB member Floribar Bautista sa SB
Session ng Malay kahapon ang itinayong gusali ng malaking kumpanya sa brgy.
Yapak Boracay dahil sa umabot na umano ito ng siyam na palapag.
Ayon kay Bautista, hanggang anim na palapag lamang umano
ang kanilang pinahihintulutan base sa nakasaad na municipal ordinance 328
series of 2013 o kailangang may limitasyon na hanggang 20 meters ang taas
ngunit dapat ay may area na limang ektarya.
Dahil dito ipinatawag niya ang atensyon ng Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF) na isa sa mga namamahala ng mga itinatayong
building sa isla kasama na ang Committee on Land Use para sa imbestigasyon.
Samantala, nagde-demand naman ngayon ng report si
Bautista na isusumite umano sa kanya kung anong aksyon ang ginawa ng mga
kinauukulan tungkol dito kasama na ang listahan ng mga nag-violate ng height limit
sa buong Boracay.
No comments:
Post a Comment