Pages

Wednesday, June 01, 2016

Sistema sa Tabon Port, pinuna ni SB Aguirre

Posted June 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Tabon portHindi nakalagpas sa mata ni SB member Rowen Aguirre ang tungkol sa sistema ng Tabon Port sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.

Ito’y matapos mapansin nito na walang kahanda-handa ang naturang pantalan sakaling ilipat na ang biyahe ng mga bangka ngayong papasok na tag-ulan at ang Habagat.

Napag-alaman kasi na pansamantalang inilipat nitong Huwebes ang biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at Tabon Port dahil sa lakas ng alon sa Caticlan at Cagban Jetty Port.

Ayon kay Aguirre hindi pa handa ang mga pasilid sa nasabing lugar kung saan ipinagtataka nito nito na sa pagiging world class ng Boracay ay ganito ang nagiging sistema sa pagbibigay serbisyo sa publiko.

Dahil dito nais ni Aguirre na ipatawag sa session ang mga kinauukulan kaugnay sa nasabing pantalan kasama na ang head ng MDDRMC at ng Municipal Tourism Office.

Nabatid na ang Tabon at Tambisaan Port ay ang alternatibong rota ng mga bangka sa Boracay sa panahon ng Habagat Season.

No comments:

Post a Comment