Pages

Friday, June 03, 2016

PSTD Unconvention 2016, ginanap sa isla ng Boracay

Posted June 3, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mahigit dalawang daang indibidwal mula sa ibat-ibang agencies sa bansa ang dumalo sa PSTD Unconvention 2016 na ginanap sa Henann Regency Hotel sa isla ng Boracay kaninang umaga.

Ito ay para magbahagi ng mga kaalaman at pag-unlad para suportahan at ihanda ang mga talent o isang mangagawa para sa kanyang kinabukasan.

Kasama na rito ang pagbibigay ng isang  plataporma para sa pakikipagpalitan ng mga ideya, at mga bagong kasanayan at hanay ng mga bagay-bagay at mga solusyon sa disenyo, delivery, pagpapatupad at pagsusuri ng L&D program.

Dahil dito, limang speakers mula sa ibat-ibang kumpanya sa bansa ang dumalo sa nasabing Unconvention at nagbigay ng kanilang mga ideya kagaya ng LED, adopted learning at productive learning na tinalakay ni Ramon Segismundo, 2014 PMAP People of the year at HR Head ng MERALCO.

Isa rin si Karen Cariss sa nagbigay naman ng kanyang ideya tungkol naman sa global perspective at emerging global talent, supply and demand, talent performance at work performance, sumunod naman rito si Henry Aguda kung saan tinalakay naman nito ang Digital Transformation, employment, development in business transformation.

Kasama din sa nagbigay ng kanyang kaalaman ay si Benedict Hernandez, Managing Director ng Accenture Philippines kung saan ang tinalakay naman nito ay tungkol sa Jobs investment, economic hub at ang tungkol sa BPO. 

Samantala, pinakahuli namang nagsalita rito ay si Teacher Georcelle ng G-Force kung saan ibinahagi nito ang kanyang pagiging mentor sa kanyang mga dancer sa loob ng labin isang taon at kung gaano naging successful ang kanyang grupo sa kanyang pamamalakad.
Ang PSTD Uncovention 2016 ay nasa ika-51st year na ngayong taon kung saan ito ang kauna-unahan nilang Uncon sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment