Pages

Saturday, June 11, 2016

Mga tricycle driver sa Boracay, handa na sa pasukan -BLTMPC

Posted June 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tricycle sa boracaySa pagbubukas ng pasukan ngayong Lunes nakahanda na rin ang mga tricycle driver sa Boracay para sa mga estudyanteng papasok sa kanilang mga paaralan.

Ayon kay BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, tatlong buwan na umanong nakalipas ay nag-meeting na sila kasama ang mga operator ng tricycle kung saan muling ipina-alala nito ang mga rules and regulation sa pagbiyahe.

Nabatid kasi, na marami ng reklamong natatanggap ang kanilang opisina tungkol sa mga tricycle driver na hindi nagpapasakay ng mga estudyante.

Muli nitong sinabi sa mga pasahero, na kung sinuman ang hindi magpasakay na tricycle driver ay kunin agad ang franchise number nito at i-report sa kanilang tanggapan upang agad na maaksyonan.

Kaugnay nito, hiniling naman ni Gelito sa mga School head official na maglagay sila ng tagabantay o Brgy. tanod sa kanilang paaralan para mag-abang sa mga estudyanteng sasakay ng tricycle papauwi sa kanilang bahay.

Samantala, dapat umanong huwag pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak na estudyante sa Grade 1 hanggang 3 na mag-isang umuwi at sumakay ng tricycle.

Sa kabilang banda napag-alaman na takot ding magpasakay minsan ang mga driver ng mga estudyante dahil sa malilikot umano ang mga ito at takot din umano ang mga ito na baka madamay pa sila.

No comments:

Post a Comment