Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Makakahinga na ngayon ng maayos ang mag-asawang umano’y
biktima ng “Tanim Bala” sa Caticlan Airport noong nakaraang Abril.
Ito’y matapos na idinis-miss ng Aklan Regional Trial
Court (RTC) ang kaso ng mag-asawa base sa naging desisyon na ibinaba ni Judge
Jemena Abellar-Arbis noong nakaraang Hunyo 22.
Nabatid na pinaburan ng korte ang omnibus motion na isinampa
ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ni Atty Percida Acosta para kay
Jerome Sulit upang maibasura ang information na isinampa ng Aklan Prosecutor's
office.
Sa pahayag ni Arbis na hindi nilabag ni Sulit ang Republic
Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kung saan wala
din umanong nakita sa kanya ang korte na nagdala ng bala ang akusado bago
pumasok sa nasabing paliparan.
Matatandaang galing sa bakasyon sa isla ng Boracay ang
mag-asawa ng makitaan umano ang mga ito ng 14 na bala ng kalibre 22 sa loob ng
sling bag kung saan dito sila inaresto at ikinulong.
No comments:
Post a Comment